Ipinagbabawal na pagbibilad ng palay sa mga kalsada, muling binigyang-diin ng DPWH Bicol

LEGAZPI CITY – Muling binigyang-diin at ipinaalala ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Bicol ang tungkol sa ipinagbabawal na pagbibilad ng mga palay sa mga kalsada.

Ito ay kasunod ng mga impormasyong nakakaabot umano sa ahensya na marami pa rin sa mga lugar ang hindi napipigilan at patuloy na gumagawa nito lalo na ngayong tag-init kahit ipinagbabawal.

Read More:  After armed clash in Negros town, civilian taken into custody, then released

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay DPWH Bicol Regional Spokesperson, Lucy Castañeda, sinabi niya na delikado ang pagbibilad ng mga palay sa kalsada lalo na sa mga single motor na maaaring magdulot ng mga aksidente kaya ito ipinagbabawal.

Aniya, kanilang hinihikayat ang publiko at umaasa sila na tutulong ang mga barangay officials na masabihan ang kanilang mga residente ang tungkol dito upang maiwasan ang anumang uri ng pinsala at aksidente.

Read More:  Negrense youth defies challenges, finishes among PMA’s finest

Ayon kay Castañeda, nasa kamay na ng mga lokal na pamahalaan at ng Philippine National Police ang paghuhuli sa mga lumalabag dito.

Maaari naman umanong gumamit muli ng solar dryer na dating proyekto ng kanilang ahensya, upang hindi na gumamit pa ng mga national roads, at naniniwala siyang mayroon pa nito sa Department of Agriculture, kung kaya’t makikipag-ugnayan sila.