NAGA CITY – Nakasuporta ang buong Camarines Sur Police Provincial Office sa kampanya ng bagong PNP Chief na si PGEN. Benjamin Acorda Jr. sa kampanya nito laban sa illegal na droga sa loob mismo ng organisasyon.
Ito ang naging pahayag sa Brigada News FM Naga ni PMaj. Maria Victoria Abalaing, Information Officer ng PPO-Camarines Sur at WCPD Chief.
Ayon dito, maaaring matanggal sa serbisyo ang isang pulis kung mapatunayan na gumagamit, nagbebenta at nagiging protector ito nang sindikato.
Paraan ito upang linisin ang buong hanay laban sa illegal na droga, kung saan halos naging laman ng mga pahayagan nang nagdaang mga araw ang ilang matataas na opisyal ng PNP na sangkot umano sa isyu ng Cover-up.
Samantala sa panig naman ng PNP Camarines Sur, kumpyansa si PMaj. Abalaing na wala ng pulis ang masasangkot sa illegal na droga dahil sa kanilang ginagawang mga programa na mayroong mga Hollistic Approach.