NAGA CITY – Nakapagtala ng 73 mga individual na nag-positibo sa COVID-19 ang City Epidemiology and Surveillance Unit ng Naga City Health Office mula Enero hanggang ngayong buwan ng Abril.
Sa datus na inilabas ni Dr. Ronnie Amoranto, City Health Officer, noong Enero may 23; walo sa Pebrero 15, sa Marso at pinakamamaraming nag-positibo ay ngayong Abril na may 27 na.
Tiyak aniyang madagdagan pa ang bilang nito ngayong Abril, sabi ni Dr. Amoranto at kasama na rito ang 15 naitala sa araw na ito, Abril 25.
Batay sa talaan nina Amoranto, mayoriya sa mga nagpositibo ay nakaranas lamang ng mild symptoms, 55 silang lahat, may 16 na asymptomatic, may isang moderate at may isang namatay na, dahil na rin sa komplikasyon.
Ang barangay del Rosario ay may mataas na bilang, tatlo ang nagpositibo, sinusundan ng Bagumbayan Sur, San Felipe at Sta. Cruz na may tigda-dalawang kaso.
Tig-iisa namang kaso ang mga barangay ng Balatas, Calauag, Cararayan, Igualdad, Pacol at Tinago.
Binigyang diin ni Amoranto na walang dapat na ikabahala ang publiko dahil sa mild symptoms lamang ang mga ito ay sa ngayon ay under medication na.
Gumamit ng facemask lalo na sa pampublikong lugar at sa loob ng mga commercial establishments para walang hawaan na mangyari.