2 studyante na-missing sa Tagum City nakitang patay at umano’y pinagsamantalahan

Sa madamong parte ng Purok Pine Tree, Magugpo North, Tagum City, Davao del Norte nakita ang wala nang buhay na katawan ni Nikki Kassim.

Sa impormasyon na nakalap ng Brigada, unang naireport na missing si Nikki noong Sabado, Abril 23 ngayon taon at huling nakita itong buhay sa harapan ng isang convenience store sa lugar matapos bumili umano ng makakain.

Si Nikki ay 18 taong gulang pa lamang at isang working student na pilit na nag-aaral kahit sa likod ng mahirap nitong sitwasyon hanggang nakita na lamang itong patay na.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

May mga impormasyon din na umano’y pinagsamatalahan si Nikkid dahil sa mga huling message niyo sa kayang mga kaibigan ngunit wala pang kompermason mula sa Tagum City Police Station dahil patuloy pa ang kanilang imbestigasyon.

Ngayong buwan ay hindi unang biktima si Nikki sa kaparehong krimen dahil una ring nakitang patay ang katawan ng isang siyam na taong gulang nga batang babae sa Apokon, Tagum City na si Monalisa Pagharion.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Si Monalisa at una ring naireport na missing matapos itong maghatid sa kanyang kapatid sa paaralan at ilang araw ay nakita din itong patay sa madamong bahagi ng nasabing lugar.

Hustisya ngayon ang sigaw ng pamilya ng dalawang biktima kasabay din nag patuloy na imbestigasyon ng Tagum Police sa pangyayari.