Canadian actor, namatay matapos sumailalim sa 12 cosmetic surgeries para maging kamukha ni Jimin ng BTS

Isang Canadian actor ang namatay sa South Korea dahil sa komplikasyon matapos sumailalim sa 12 cosmetic surgeries para maging kamukha ni BTS member Jimin.

Ayon sa Daily mail, gumastos ng $220,000 ang aktor na si Saint Von Colucci para sa kanyang 12 plastic surgery procedures para gumanap bilang si Jimin sa isang US streaming network.

Read More:  Ruffa Gutierrez debunks death rumors about mom Annabelle Rama

Ang aktor ay sumailalim sa operasyon noong Abril 22 upang tanggalin ang mga implant ssa kanyang panga na inilagay noong Nobyembre.

Read More:  Bianca Manalo, Sherwin Gatchalian remain friends after breakup

Dahil sa mga komplikasyon, na-intubate siya at namatay pagkalipas ng ilang oras.

Noong nakaraang taon, sumailalim siya sa jaw surgery, implants, face lift, nose job, eye lift, aeyebrow lift, lip reduction at ilang minor surgeries.//CA