Trainer aircraft, bumagsak sa Lipa City; mga piloto, ligtas

Bumagsak ang isang trainer aircraft ng Philippine Air Force (PAF) sa isinagawang standard training flight sa San Fernando Airbase Lipa City, Batangas nitong Lunes ng umaga, Abril 24, 2023.

Sa inilabas na press statement, sinabi ng PAF na ang kanilang SF260FH Marchetti aircraft ay lumipad sa runway 21 ng naturang airbase at nagkaaberya habang nasa ere.

Read More:  Bystanders scramble for cover as exchange of gunfire wounds 4 in Himamaylan City

Sa kabila nito ay nagawang mapalipad ng piloto ang eroplano sa mababang altitude at nai-crash landing sa open area sa loob ng kampo.

Read More:  Old school bus sunk off Cebu island to create artificial coral reef

Agad na rumesponde ang emergency team at ligtas na nailabas agad ang dalawang piloto.

Iniimbestigahan na ng PAF ang naging dahilan ng naturang aksidente.