Publiko, pinaalalahanan na ‘wag gumawa ng malaswang bagay sa Balayong Peoples’ Park

Pinaalalahanan ng Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa ang publiko na huwag gumawa ng sekswal na bagay sa Balayong Peoples’ Park.

Ayon kay City Administrator Atty. Arnel Pedrosa, ang Balayong Park ay isang pampublikong lugar kaya hindi kaaya- aya kung mayroong “kababalaghan” na mangyari dito.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Ito ang pahayag ng opisyal kasunod ng pagkakahuli sa dalawang watchmen ng parke noong nakaraang Linggo matapos silang ireklamo ng pangmomolestya sa magkasintahan.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Samantala, hihigpitan pa ang seguridad sa Balayong Park upang tiyakin ang kaligtasan ng mga bumibisita rito.