2 piloto na sakay ng trainer aircraft ng Philippine Air Force, ligtas matapos magkaaberya palapag sa runway sa Batangas

Ligtas ang dalawang piloto na sakay ng Marchetti SF-260FH trainer aircraft ng Philippine Air Force matapos magkaaberya habang papalapag sa  runway  21 ng Basilio Fernando Air Base sa Lipa City, Batangas kahapon ng umaga.

Ayon sa PAF, sa kabila ng mababang altitude, nagawa ng mga piloto na imaniobra ang aircraft  sa isang bukas na lugar sa loob ng air base’s perimeter na hindi nagdulot ng pinsala maging sa kalapit na komunidad.

Read More:  House Prosecutors hail subpoenas for VP Sara Duterte records

Mabilis ding dumating ang mga emergency responders sa pinangyarihan ng insidente at matagumpay na na-resucue ang mga piloto. Ligtas ang mga ito matapos sumailalim sa medikal na pagsusuri.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Sinimulan na rin ng PAF ang imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng insidente.

Tiniyak din ng PAF sa publiko ang mahigit nilang pagsunod sa maintenance at operational protocols.