Bilang ng mga nahukay na bangkay sa Kenyan cult graves, umakyat na sa 58

Umakyat na sa 58 ang bilang ng mga nahukay na bangkay sa Kenyan cult graves sa Shakahola village sa Kenya.

Sinimulan ng pulisya ang paghuhukay sa mga bangkay malapit sa coastal town ng Malindi mula sa Shakahola forest.

Read More:  Food Poisoning incidents raise safety concerns over Indonesia’s free meals program

Ang mga biktima na hinihinalang mga followers ng isang Christian cult, ay naniniwalang sila ay mapupunta sa langit kung papatayin nila ang kanilang sarili sa gutom.

Read More:  Bharatpur Hospital in Nepal resumes normal services after morgue overflow

Nauna nang nailigtas ng mga awtoridad ang 15 miyembro ng grupo na sinasabing mga worshipers ng Good News International Church, apat sa kanila ang namatay bago nakarating sa ospital.//CA