OCTA, suportado ang posibleng pagshift ng Metro Manila sa ‘ordinary’ GCQ

Suportado ng independent research group OCTA ang mungkahing luwagan pa ang quarantine restrictions sa Metro Manila, sa harap na bumababa na ang infections ng COVID-19 sa capital region.

Ayon kay OCTA Research Group fellow Guido David, ang ‘NCR Plus’ na kinabibilangan ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal, ay nagtala nalang ng 27 percent ng infections sa daily tally ng bansa mula sa 97 percent noong kasagsagan, sa pagitan ng March 29 hanggang April 4.

Read More:  Palace says Dizon cleared, Cayetano not investigated in SEA Games issue

Maliban dito, ang virus reproduction rate, o ang bilang ng mga taong nahawa ng virus patient sa Metro Manila ay nasa 0.72, habang ang positivity rate ay bumaba ng 8 percent, at ang hospitalization rate ay nasa “safe level” na sa 40 percent.

Read More:  House prosecutor says VP Sara Duterte cannot be mere spectator in impeachment trial

Sa ngayon, wala rin naman umano silang nakikita na community transmission sa businesses, kaya maaring na ring sumugal sa pagbubukas ng iba pang negosyo. // MHEL PACIA-TRINIDAD