2023 Rodeo Festival ng Masbate, nakakuha ng P2M na pondo mula sa Pamahalaang Panlalawigan

Pinagkalooban ang Rodeo Masbateño Inc. (RMI) ng P2M na tulong pinansyal ng Pamahalaang Panlalawigan ng Masbate para sa ika-27 anibersaryo ng Rodeo Festival.

Mismong ang gobernador ng lalawigan na si Antonio Kho ang nag-abot ng tseke  sa presidente ng RMI na si Ruby Morano.

Read More:  Teen allegedly killed by stepfather after separation in Cebu

Ang pinakaaabangang pagdiriwang ay nagsimula na kahapon, Easter Sunday at tatagal hanggang Abril 16.

Itatampok dito ang bull riding, carambola, street barn dancing, culinary showdown at mga night-long party.

Read More:  High-ranking NPA leader killed in Albay clash

Naglagay din ng trade fair sa paligid ng Masbate Grandstand na kumpleto samga stall na magbebenta ng mga delicacies ng lalawigan gayundin ng mga lokal na produkto at serbisyo.

Matatandaan na halos tatlong taon na natigil ang nasabing selebrasyon dahil sa pandemya.