Pagpapatupad ng curfew sa bayan ng Virac, Catanduanes maganda at positibo ang epekto ayon sa PNP

BICOL— Maganda at positibo umano ang naging epekto ng pagpapatupad ng curfew sa bayan ng Virac, Catanduanes ayon mismo kay PMaj. Antonio Perez, hepe ng Virac MPS.

Ayon sa opisyal, mula nang magpatupad ng curfew sa naturang bayan na nagsisimula tuwing alas 9:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng umaga ay nabawasan aniya ang mga naitatala nilang insidente ng pagnanakaw, road accident at maging ng iba pang krimen.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Ganunpaman, binigyang linaw nito na bukod sa mga nabanggit na positibong epekto sa pagpapatupad ng nasabing polisiya, ang pinaka layunin nito ay upang maiwasan o mahadlangan ang paglaganap ng COVID-19 sa buong bayan ng Virac.

Ito aniya ay counter effort ng lokal na pamahalaan na kinakailangan  ng kooperasyon ng publiko para sa ikabubuti ng lahat.

Read More:  Habagat batters Davao Region: 909 families affected, four dead, five missing

Sa pinakahuling tala ng PNP, mayroon na silang mga nabigyan ng citation ticket buhat ng ipatupad ang curfew ngunit hindi pa naman dumarating sa puntong may dinala na sila sakanilang himpilan o di kaya naman ay nasampahan na ng kaso.

Kaugnay nito, patuloy ang panawagan ni Perez sa mga Viracnon, na sundin ang mga ipinatutupad na polisiya ng pamahalaan kontra COVID-19 para sa kaligtasan ng buong komunidad laban sa nakakamatay na coronavirus.###