Iba’t- ibang eskwelahan sa Camarines Norte nakiisa sa katatapos lang na Nationwide Simultaneous Earthquake Drill

Nakiisa ang iba’t- ibang eskwelahan sa lalawigan ng Camarines Norte sa isinagawang  Nationwide Simultaneous Earthquake Drill nitong Huwebes para sa second quarter.

Kahit nahaharap sa krisis na dulot ng COVID- 19 ay tumugon ang mga guro at personnel ng Department of Education (DepEd) sa panawagang makiisa sa naturang aktibidad.

Batay sa mga lawarang ibinahagi sa Brigada News FM Daet ni Division Disaster Risk Reduction and Management Coordinator Geronimo Burce, makikita ang mga guro at DepEd personnel sa iba’t- ibang eskwelahan na naka   “duck, cover and hold.

Ayon kay Burce sa mga eskwelahan lang ginawa ang aktibidad dahil karamihan sa mga personnel ng Division Office ay naka work from home.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Ilan lang sa mga eskwelahan sa lalawigan na makikita sa larawan na nakiisa sa aktibidad ay ang Goito Pimentel Elementary School sa Daet, Gonzalo Aler National High School sa Capalonga, Pambuhan Elementary School sa Mercedes at Jose Panganiban Central School.

Noong mga nakaraang pagsasagawa ng nabangiit na aktibidad ay kadalasan na nasa 295 sa 312 na eskwelahan sa lalawigan ang laging may online report.

Suspendido naman ang pagsasagawa ng evacuation drills at  simulation scenarios upang maiwasang ma- expose sa COVID- 19 ang mga participants.