Bulacan PPO, bumuo ng Task Group para imbestigahan ang pagkamatay ni Serna

Bumuo ng Special Investigation Task Group SERNA ang Bulacan Police Provincial Office para imbestigahan ang pagkamatay ni San Miguel, Bulacan Chief of Polcie , Lt. Col. Marlon Serna noong Sabado.

Read More:  Cayetano backs SEA Games probe, seeks flood control investigation

Patay sa pamamaril si Serna habang nasa hot pursuit operation kasunod ng insidente ng pagnanakaw sa Barangay San Juan, bayan ng San Miguel.

Kinondena ng Bulacan PPO ang insidente at tiniyak sa publiko na magsasagawa sila ng masusing imbestigasyon upang matukoy ang mga salarin.

Read More:  COVID-19 cases in the Ph down 70% compared to last year

Ang SITG SERNA ay nagsisikap umano na mangalap ng mga ebidensya at mga testigo para malutas ang krimen.//CA