DOJ naniniwalang isang criminal organization ang nasa likod ng pagpatay kay Gov. Degamo

Naniniwala ang Department of Justice na isang criminal organization ang nasa likod ng pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla,  na ang mga masterminds sa pagpatay sa gobernador ay maaaring lider o mga nangungunang tao sa criminal organization na ito.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Ayon pa kay Remulla , sangkot umano ang organisasyon sa maraming pagpatay gayundin sa iligal na pagsusugal at iba pang ilegal na aktibidad sa Negros Oriental.

Read More:  Senate court targets VP Sara confidential funds issue before August

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang 11 suspek na direktang sangkot sa walang habas na pagpatay kay Degamo at walong iba pa.//CA