Mga benepisyaryo ng TUPAD sa bayan ng Camalig, Albay, natanggap na ang kanilang cash assistance

LEGAZPI CITY – Natanggap na ng mga benepisyaryo ng TUPAD program ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Brgy. Salugan, bayan ng Camalig, Albay ang cash aid mula sa programa.

Sa impormasyong mula sa lokal na pamahalaan ng Camalig, ang mga benepisyaryong tumanggap ng nasabing tulong ay kinabibilangan ng mga residenteng unemployed, at mga disadvantaged.

Read More:  1,000 families affected as major fire hits Agdao, Davao City

Bago pa man nila matanggap ang tulong, ilan sa mga isinagawang trabaho ng mga benepisyaryo ay ang paglilinis sa kalsada, pag-aayos at iba pang kaugnay na mga gawain.

Read More:  Pickup driver falls asleep, hits tricycle, motorcycles and store in Bacolod

Samantala, aabot naman sa 500 na mga benepisyaryo para sa ikalawang batch ang nakatakda ring makatanggap ng PHP5,110 halaga ng cash aid sa kaparehong bayan.