Mga pulis nagpaligsahan sa pag gamit ng drone

Nagpaligsahan ang mga pulis sa pag gamit ng drone, sa ginanap na kauna-unahang tactical drone competition ng Police Regional Office 3 o PRO3.

Naglaban-laban sa 3 stages ang mga drone operators mula sa iba’t ibang Police Provincial Office at City Police office gayundin ang mula sa Regional Mobile Force Battalion sa kanilang galing sa pagpapalipad ng drone at sa kanilang tactical drone techniques.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Kabilang sa mga stages ang Obstacle Course, Tactical Identification of target, at Drone Support to Tactical Operation.

Layon ng kompetisyon na masubok ang kasanayan ng mga pulis sa pag gamit ng drone bilang lightweight aerial asset.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Ayon kay PRO3 Director PBGen Jose Hidalgo Jr, isang game changer sa PNP ang pag gamit nito lalo na sa surveillance at pag tugon sa mga emergency situations.