2 patay, 1 nakaligtas matapos mahulog sa septic tank sa Batangas

Patay ang dalawang lalaki habang nakaligtas ang isa nilang kasama matapos na mahulog sa septic tank habang naglilinis ng water waste treatment sa Poblacion B. Rosario, Batangas.

Kinilala ng Rosario Municipal Police Station ang dalawang nasawi na sina Dexter Yurong y Tablon, 32-anyos, residente ng Brgy. San Isidro, Parañaque City at Joland Daro.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Nakaligtas naman ang kasama nilang si Jonald Garo.

Batay sa report, nakatanggap ng impormasyon galing sa isang fastfood chain staff ang kapulisan para ipaalam ang pangyayari dakong 3:30 ng hapon nitong Lunes, Marso 20.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Agad namang isinugod si Tablon at Daro sa magkaibang ospital ngunit pareho itong idineklarang dead on arrival ng doktor.

Habang si Garo naman ay dinala sa isang ospital sa Poblacion D, Rosario, Batangas para sa paunang lunas.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pangyayari.