Labi ng nasawing NPA member sa nangyaring sagupaan sa Baggao, naiuwi na ng kaniyang kaanak

Naiuwi na ng pamilya ang labi ng nasawing NPA member sa nangyaring sagupaan sa pagitan ng NPA at militar kamakailan sa Baggao, Cagayan.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa 5th Infantry Division, Philippine Army, positibong kinilala ng pamilya ni Paolo Macaraeg alyas Tobby ang kaniyang labi.

Read More:  Army’s newest Lieutenants include seven from Negros’ CHICKS Area

Pinuntahan mismo ng pamilya ni alyas Tobby ang punerarya kung saan nakalagak ang mga labi nito upang kumpirmahin kung ito nga ang kanilang kaanak at nang makumpirma ay nagdesisyon ang mga ito na iuwi na upang mabigyan ng maayos na burol.

Read More:  2 NPA members killed, 3 high-powered rifles seized after series of military clashes in Bukidnon

Unang kinilala si alyas Tobby na dating estudyante sa UP-Diliman kung saan naging aktibong miyembro ito ng Anakabayan sa ilalim ng Kabataang Makabayan bago nagsilbi bilang Finance Officer ng KR-CV.

Isa ito sa mga nasawi sa magkakasunod na sagupaan sa pagitan ng military at NPA sa Barangay Sta. Margarita noong February 13, 2023.