Aabot sa P8-M napautang na sa mga negosyanteng pinadapa ng pandemya sa Naga City

NAGA CITY- 12 na mga negosyante ang bagong nakatanggap ang loan assistance sa Naga kahapon sa ilalim ng Business Stimulus Program (BSP).

Ang iba sa mga ito ay  sari-sari store owners habang ang iba ay mayroong repair shops, nasa food catering service, at iba pa.

Read More:  Tragic outing ends in heartbreak as 19-year-old drowns in Cebu sea; two friends survive

Layunin ng BSP ang matulungan na makapagsimulang muli ang mga negosyanteng pinadapa ng pandemya.

Sa huling datos ng  Metro Naga Public Employment Office umabot na sa  P7,950,000 ang halaga ng capital na pinautang. P10M ang pondo na inilaan ng LGU para rito.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Ayon kay METROPESO Chief Jun Mongoso, depende sa negosyo ang halaga ng pinapautang, at binabase rin sa bilang ng mga empleyado; hanggang sa P25K sa may isang empleyado tataas depende sa bilang ng personahe.

Ang maganda pa rito, walang interes na ipinataw ang LGU base sa ordinansang nakasakop dito.