KORONADAL CITY- UMAABOT sa anim na mga pamilya sa Purok Poticar, Barangay GPS, Koronadal ang nakatanggap ng tulong mula 95.7 Brigada News FM Koronadal sa isinagawang 1 Tahanan Brigadahan.
Kabilang sa natanggap ng mga ito ay ang mga pagkain, untensil, at maraming iba pa.
Ang mga gamit na kanilang natanggap ay namula sa mga tagapakining ng Brigada Koronadal na nagdonate ng kanilang mga gamit at pera.
Maaalala, na tinupok na lumalagablab na apoy ang tahanan ng magpamilyang ito kun saan halos wala silang naisalbang mga kagamitan.
Samantala, lubos ang kanilang pasasalamat sa tulong na kanilang natanggap sa pamamagitan ng Brigada News FM Koronadal.
