SINAG, iminungkahing si Sen. Imee Marcos na lang ang gawing kalihim ng DA

Iminungkahi ng Farmers group Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na si Senator Imee Marcos na lang ang gawing kalihim ng Department of Agriculture (DA).

Ayon kay SINAG president Rosendo So, na kahit papaanu ay nakita ng grupo ang pagsisikap ng senador na matulungan ang sektor ng agrikultura.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Sa ngayon, si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang pansamantalang umuopo bilang kalihim ng DA.

Una nang sinabi ng pangulo na isang eksperto sa agrikultura ang nais niyang pumalit sa kanya sa naturang ahensya.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Samantala, dismayado naman ang mga magsasaka ng sibuyas na hindi umano sila kononsulta ng DA kaugnay sa pag-angkat ng sibuyas, bagay na itinanggi ni DA Assistant Secretary at Deputy Spokesperson Rex Estoperez.