Manny Pacquiao, pinabulaanan ang mga tsismis na nagsampa siya ng annulment sa asawang si Jinkee

Pinabulaanan ni Manny Pacquiao ang mga tsismis na nagsampa siya ng annulment sa asawang si Jinkee.

Nakipag-coffee date si Manny sa kanyang asawang si Jinkee at  inilarawan  ang asawa bilang kanyang “soulmate,”

Read More:  Kylie Verzosa says she had given up on love before meeting fiancé Emil Eriksen

Sa pamamagitan ng isang video sa kanyang TikTok page, pinasulyap ni Manny ang kanilang date at nagbigay pa ng maensahe sa mga  “Marites” .

Sabi niya “Yung mga Marites d’yan, baka mamatay kayo sa inggit,” “Sa mga nagkakalat ng ganyang tsismis, parusahan kayo ng ating Panginoon sa inyong mga maling gawain”.

Read More:  Anne Curtis fires back at netizen who called her “Retokada”

Si Jinkee, sa kanyang bahagi ay nagpahayag ng kanyang pagmamahal kay Manny habang nagpapakita ng mga snaps sa kanyang Instagram account ng kanilang coffee date pati na rin ang mga larawan ng kanilang pagbisita sa kanilang bagong tahanan.//CA