Bilang ng patay na iniwan ng bagyong Dante, umakyat na sa 11

Umakyat na sa 11 ang naitalang bilang ng mga nasawi mula sa pananalasa ng tropical cyclone “Dante”.

Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na bukod sa mga nasawi ay may dalawang tao ang napaulat na nawawala.

Read More:  Marcos details government preparations for Undas travel surge

Dagdag ng NDRRMC, naitala rin nito ang 3 indibidwal na napinsala sa bagyo.

Makikita sa datos ng NDRRMC na naiulat ang mga casualties sa Mimaropa, sa Kabisayaan, at sa mga rehiyon ng Davao at Soccsksargen.

Read More:  House prosecution panel criticizes Sara Duterte’s defense team over renewed ‘fishing expedition’ claims

Kung maalala ay sinabi ng PAGASA na humina sa isang tropical depression ang Dante kasabay ng paglabas nito mula sa Philippine Area of Responsibility noong Sabado.