Jail population ng SCRDC, bumaba na

KORONADAL CITY- UNTI-UNTI nang nababawasan ang populasyon ng South Cotabato Rehabilitation and Detention Center o SCRDC.

Ayon kay OIC Jail Warden Lory Celeste na kung noon ay umaabot sa mahigit 1,500 ang ang mga inmates sa jail, ngayon, ito ay nasa 1,200 na lamang.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Inihayag ng opisyal na ang pagbaba ng jail population ay dahil sa pagpapatupad ng OCA Circular No. 201- 2022 na nag-uutos sa pagpapalaya sa mga inmates na nakakumpleto na sa sentensya na itinakda para sa kanilang nagawang krimen ngunit nananatili pa ring nakakulong.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Ayon kay Celeste na sakop nito ang mga maliliit na kaso na may parusang pagkakabilanggo na hindi lalagpas sa apat na taon.