Tampakan PNP, tuloy ang monitoring sa posibleng mga marijuana plantation sa bayan!

KORONADAL CITY- PATULOY ang ginagawang monitoring ng Tampakan PNP sa mga marijuana plantation sa bulubunduking bahagi ng bayan.

Ito ang kinumpirma ni PMaj. Vergel Parreño, Officer In-Charge ng Tampakan PNP sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Ayon kay Parreño, kasama ng kapulisan sa kanilang operasyon ang PDEA sa pagsugpo sa nasabing aktibidad.

Dagdag pa ni Parreño, na kadalasan sa mga nabubunot na mga puno ng marijuana sa kanilang bayan ay nasa plantasyong malapit o di kaya’y nasa boundary ng. Tampakan at katabi nitong bayan.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Hinihiling naman ng opisyal ang kooperasyon ng publiko upang agad itong maaksyunan.