12.9 milyong Pilipino, nagsabing sila’y mahirap noong 4th quarter ng 2022, ayon sa SWS survey

Nasa 12.9 milyong Pilipino ang nagsabing sila’y mahirap noong ikaaapat na quarter ng 2022.

Batay sa SWS survey na inilabas kahapon ngunit isinagawa mula December  0 hanggang December 14, 2022, ang nasabing bilang ay mas mataas o katumabas ng 51 percent kaysa noong October 2022 na 12.6 million o 49 percent.

Read More:  Rescued Philippine Eagle Sawaga-Dalwangan dies during rehabilitation

Samantala, sa pinakahuling survey ng SWS, 31 percent ang nag-rate sa kanilang sarili bilang “borderline,” ibig sabihin ay ang mga naglagay sa kanilang sarili sa pagitan ng mahirap at hindi mahirap, habang 19 na porsyento ang nag-rate sa kanilang sarili bilang “hindi mahirap.”

Read More:  Marcoleta pleads not guilty in plunder case

Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 adults respondents.//CA