Teves, itinuro si Sec. Abalos sa planong raid sa kanyang bahay dahil umano sa pag-uugnay sa kanya sa e-sabong

Itinuro ni Representative Arnolfo Teves Jr. ng Negros Oriental si Secretary Benhur Abalos ng Department of Interior and Local Government o DILG sa pagsisikap umano nito na makakuha ng search warrant para i-raid ang kanyang bahay at umano’y pagtatanim ng ebidensiya.

Read More:  US Secretary Marco Rubio meets Marcos in Manila

Sinabi ni Teves na ang kanyang impormasyon ay kapani-paniwala dahil ibinigay ito sa kanya ng mga taong natulungan niya noon.

Tila pinepersonal umano siya ni Abalos at ikinadisma na iniuugnay siya sa e-sabong.Paglilinaw ng mambabatas na wala siyang kinalaman rito.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Samantala, sinabi rin ng opisyal na walang angkop na proseso ang panawagang courtesy resignation ni Abalos sa mga opisyal ng PNP para linisin ang hanay nito.//CA