PNP personnel sa Naga City ipinasailalim sa drug testing; internal cleansing mahigpit na ipinatutupad

NAGA CITY – Mahigpit na ipinapatupad ang internal cleansing sa mga personahe ng Naga City Police Office upang masigurong walang pulis ang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Ang direktiba ay mismong ipinag-utos ni PCol. Nelson Pacalso ang City Director ng Naga City Police Office.

Ayon kay Pacalso, hinihintay na lamang nito ang resulta ng Drug Test ng kanyang mga tauhan matapos ang isinagawang mandatory Drug Testing noong unang linggo nitong buwan.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Kumpiyansa ito na walang pulis sa Lungsod ng Naga ang sangkot sa illegal na droga.