Villar, hindi nakakapagtaka na tawaging Department of ‘Importation’ ang DA dahil sa importation records

Dahil sa importation records ng Department of Agriculture, hindi nakapagtataka para kay Senator Cynthia Villar na tawaging “Department of Importation” ang DA.

Sa pagdinig ng Senate committee on agriculture kahapon, pinaalalahanan ni Villar ang DA na ang pag-angkat ay dapat na pansamantala lamang at hindi permanenteng solusyon para sa kakulangan ng supply sa bansa.

Read More:  Sen. Pia Cayetano moves on after viral Senate emotional speech

Giit ng senador na ang mandato din nito ay bigyan ng kabuhayan ang mga lokal na magsasaka at hindi ang mga importers.

Ginawa ni Villar ang pahayag nang buksan niya ang pagdinig sa kanyang panukalang batas na naglalayong paunlarin at isulong ang industriya ng yellow corn upang mapahusay ang pagkakaroon ng abot-kaya at de-kalidad na mga feeds sa bansa.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Ikinalungkot ng senadora na mula noong 2019, nagkaroon ng surplus sa supply ng yellow corn sa bansa batay sa mga tala ng Philippine Statistics Authority.//CA