Sabwatan ng DA at onion traders, sisilipin ng Ombudsman

Bubusisiin ng Office of the Ombudsman kung may nangyayari nga bang sabwatan sa pagitan ng Department of Agriculture (DA) at sa pribadong sektor.

Sa isang panayam, sinabi ni Ombudsman Samuel Martires na maging siya raw kasi ay nagugulat na sa pagtaas ng presyo ng sibuyas sa mga palengke.

Read More:  Malacañang says Duterte appears to accept continuing ICC proceedings

Sa katunayan, sa t’wing bumibili nga raw siya ay nito ay para na rin siyang bumibili ng gintong singsing.

Ayon sa Ombudsman, aalamin ng kanilang imbestigasyon kung tunay ba na may kakulangan sa suplay ng sibuyas, ‘o may mga tao lang na nagmamanipula nito.

Read More:  DILG seeks tighter social media access for children after South Cotabato school shooting

Sakali mang mapatutunayang walang sabwatan sa pagitan ng naturang mga sektor, ipauubaya na nila ang imbestigasyon sa Department of Justice sapagkat labas na ito sa kanilang mandato.

Bago ito, una nang sinabi ni DA deputy spokesperson Asec. Rex Estoperez na handa silang harapin ang Ombudsman sa ikakasa nitong imbestigasyon sa lumalalang presyo ng sibuyas.
#