Bachmann, nangakong hindi made-delay ang allowances ng mga national athletes

Nangako si Philippine Sports Commission chair Richard Bachmann na hindi madedelay ang allowances ng mga national athletes.

Sa pakikipag-usap sa kanyang mga empleyado, sinabi ng PSC chair na isa rin sa kanyang plano ay ibalik free meals sa lahat ng national team members.

Read More:  Carl James Martin eyes world championship after defeating David Picasso

Si Bachmann, na isa rin atleta at anak ng yumaong cage iconn na si Kurt Bachmann, ay hinikayat din ang lahat na maging bukas sa kanya.

Read More:  Alex Eala climbs to career-high No. 17 in WTA rankings

Ang dating PBA executive at UAAP commissioner ang pumalit kay Noli Eala, na itinalaga noong Agosto, at iginiit na nais lamang niyang mag serbisyo sa mga atleta at sa national team.//CA