Volcanic earthquake at rockfall event, naitala sa Bulkang Mayon kahapon

Isa na namang volcanic earthquake at rockfall event ang naitala sa Bulkang Mayon kahapon, Enero 8, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Batay sa datos, tulad ng mga nakaraan, natatakpan ng ulap ang bulkan kung kaya’t hindi nakita kung nagkaroon ito ng banaag o crater glow.

Read More:  Iloilo barangay councilor nabbed in buy-bust, ₱2.24M worth of shabu seized

Sa parehong datos, nakitaan naman ito ng katamtamang pagsingaw na napadpad sa timog-kanluran at bahagyang pamamaga.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Kung papansinin, makailang ulit na nakapagrecord ang tanggapan ng ilang serye ng mga pagyanig at rockfall events mula sa bulkan sa pag-uumpisa ng taong 2023.

Paalala naman ng PHIVOLCS na mag-ingat at maging alerto anumang oras.