FDA, pinapatigil ang pamamahagi ng Sangobion Kids multivitamins syrup

Ipinag-utos ng Philippine Food and Drug Administration (FDA) sa lahat ng distributors, mga ospital, retailers, pharmacies, at clinics na itigil ang pamamahagi ng Sangobion Kids 100 ml, isang iron at vitamin B-omplex syrup para sa mga bata.

Ang naturang multivitamin syrup kasi ay nakitaan na naglalaman ng amounts ng ethylene glycol na lampas sa maximum allowable limit na 0.1% sa isang batch ng raw material propylene glycol na ginagamit sa naturang produkto.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Ang ethylene glycol ay clear, viscous liquid na may sweet taste, na sa oras na ma-consume, ay magkakapira-piraso na magiging toxic compounds.

Sa advisory ng FDA, nakasaad na ang posibeng panganib ng mataas na doses ng ethylene glycol ay maaring magresulta ng abdominal pain, pagsusuka, diarrhea, hindi makadaan ang ihi, pananakit ng ulo, altered mental state, at kidney injury na maaring magdulot ng pagkamatay.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Ang ethylene glycol ay ginagamit bilang industrial compound sa automotive antifreeze, hydraulic brake fluids, ballpoint pens, solvents, pintura, at cosmetics.

Samantala, pinayuhan din ang mga local government units at law enforcement agencies na tiyaking ang naturang produkto ay hindi na ibenebenta o available sa mga distributors. //MHEL PACIA