NTC, maglalagay ng mga sim registration booths sa Bicol

Nakatakdang maglagay ng mga satellite subscriber identity module o sim card registration centers/booths ang National Telecommunications Commission (NTC) kasama ang mga lokal na pamahalaan upang tulungan ang mga taong nahihirapan sa pagreregister ng kanilang SIM cards.

Ayon kay NTC Bicol legal officer Judy Ann Bilangel, dahilan umano nito ay maraming ang mga nahihirapang magregister ng kanilang SIM cards dahil marami rin sa mga lugar ang walang access sa internet, kung kaya sa pamamagitan ng ilalagay nilang booths ay matutulungan sila nito sa loob ng animnapung araw.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Mungkahi naman ni Bilangel na maaari naman umanong makihiram ng smartphones sa mga kapamilya upang makapagparehistro, ngunit kung nag-aalangan naman dahil sa privacy, mas mainam umanong hintayin na lamang na makapaglagay ng nasabing mga booth.

Read More:  Mother killed in alleged stabbing by son in Cebu

Hinihikayat naman ng tanggapan na huwag nang hintayin pa ang pinakahuling araw o minuto ng pagpaparehistro.