2 CSU member, pinagbabaril-patay sa Polomolok, SoCot

KORONADAL CITY — DEAD on arrival sa ospital ang dalawang miyembro ng Civil Security Unit o CSU matapos pinagbabaril kagabi sa kahabaan ng national highway, Purok 8, Barangay Sulit, Polomolok, South Cotabato.

Kinilala ng Polomolok PNP ang mga biktima na sina Bonifacio Cabisada, 58, may asawa, isang CSU at retired PNP member, at residente ng Purok Rañada, Barangay Poblacion, Polomolok at Jessie Arciete, alias “Loloy”, 56, may asawa, CSU member na residente naman ng Purok Pag-asa, Barangay Silway 8, ng nabanggit na bayan.

Read More:  Dumanjug Mayor’s driver’s license suspended for 90 days after viral crash in Cebu

Sa imbestigasyon, sakay ang dalawa ng kani-kanilang mga motorsiklo mula Tupi papuntang Polomolok nang pinagbabaril ng hindi mga nakilalang mga armado.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at iba’t-ibang bahagi ng kani-kanilang katawan ang mga biktima nang isinugod sa ospital ngunit hindi na umabot ng buhay.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang manhunt operation ng Polomolok PNP sa mga tumakas na suspek.