42 anyos na lalaki, patay matapos malunod sa Pio Duran, Albay

Wala nang buhay nang matagpuan ang isang lalaki sa isang sapa sa Purok 3, Brgy. Caratagan, Pio Duran, Albay, kahapon.

Ang nasawaing biktima ay kinilalang si Felicito Mansion Padios, walang asawa at residente ng Purok 6 ng parehong barangay.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Lumalabas sa imbestigasyon na huling nakita ng pamilya ang biktima nang lumabas ito ng kanilang tahanan ala una ng hapon kahapon, at pagsapit ng alas singko y media ng hapon, natagpuan ang katawan ng biktima na isa nang bangkay sa sapa na pagmamay-ari ng isang Alice Marbella na agad namang ipinagbigay-alam sa kapitbahay nito.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Napag-alaman naman na ang biktima ay mayroong sakit ay sumailalim sa medical treatment.

Kasalukuyan namang nasa punerarya na ang katawan ng biktima.