Mayor’s permit ng Ipilan Nickel, expired na; pinatitigil ng LGU

Pinatitigil na umano ng Lokal na Pamahalaan ng Brookes Point ang operasyon ng Ipilan Nickel Corporation sa munisipyo.

Ayon kay Vice Mayor Mary Jean Feliciano, nag-expire na ang mayor’s permit ng minahan ngayong buwan ng Enero 2023.

Read More:  Unidentified woman found dead inside refrigerator in Rizal

Dahil dito ay nagbigay na ng memorandum si Mayor Cesario Benedito Jr. sa minahan at ipinaalam na paso na ang kanilang permit.

Read More:  ‘Butlak’ aims to surpass P151-M sales from 2025 Negros Trade Fair

Kaakibat nito ay hinihingian rin ng paliwanag ng LGU ang mining firm kung bakit patuloy pa rin ang operasyon sa kabundukan sa kabila ng “expired” na permit.