Binalaan ng pamunuan ng Puerto Princesa Land Transport Terminal ang mga drayber na hindi magbabayad ng ticket sa bagong sakayan sa Brgy. Irawan.
Ayon kay PPLTT Admin Assistant Arnold De Guzman, kinakilangang magbayad pa rin ng terminal fee ang mga drayber tulad dati sa San Jose terminal.
Kung hindi umano dadaan sa terminal ang drayber at kumuha ng pasahero ay maaari itong magmulta ng 1, 000Php alinsunod sa City Ordinance 232, dagdag ni De Guzman.
Idinagdag ng pamunuan na may mga nakabantay na tauhan ang PPLTT sa mga daan na posibleng lusutan ng mga drayber na hindi magbabayad.
Ang paalala ng PPLTT ay kasabay ng unang araw ng pag-arangkada ng operasyon sa bagong Bus & Jeepney Terminal.