Dalaga, huli sa pagnanakaw sa loob ng isang department store sa lungsod ng Legazpi

Inaresto ng gwardiya ang isang dalaga matapos itong magshoplift o magnakaw ng item sa loob ng isang department store sa F. Imperial St., Brgy. Tinago, Legazpi City.

Kinilala ang suspek na si alyas “Mary” at residente ng Brgy. Victory Village ng nasabing lungsod.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Ayon sa report, bandang alas 5:00 ng hapon ay dinala at itinurn-over sa Legazpi City Police Station ang suspek matapos gawin ang krimen.

Sa salaysay ng isang sales assistant na siya ring complainant, sinusubaybayan nito ang suspek kung saan kumuha ito ng isang pares ng rubber shoes na nagkakahalagang P409.00.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Bitbit ng suspek ang ninakaw na item papalabas ng tindahan nang hindi nagbabayad sa cashier at naging dahilan para humingi ng saklolo sa security guard.

Mabilis naman na naaresto ang suspek at agad na dinala sa nasabing himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.