P521.2-M jackpot sa Ultralotto 6/58 paghahatian ng dalawang lucky bettor

Tiyak nang magiging masagana ang bagong taon ng dalawang mananaya ng UltraLotto 6/58 matapos mapanalunan ang mahigit kalahating bilyong piso jackpot prize sa isinagawang draw kagabi.

Nahulaan ng dalawang lucky bettors ang winning number combinations na 01-23-15-03-08 at 05.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang mga maswerteng mananaya ay mula sa Davao City at Tacloban City na maghahati sa P521.2-Million na premyo.

Samantala wala naman nakakuha ng P15.2-Million jackpot prize ng 6/45 megalotto draw na may winning number combination na 27-28-40-14-03-34.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Nabatid na ang pinakamalaking jackpot prize na napanalunan sa kasaysayan ng Philippine lottery ay naitala noong October 2018 kung saan umabot ito ng 1.1-billion pesos.