Pampasaherong multicab, bumangga sa nakaparadang truck; mga pasahero, sugatan

Nasugatan ang mga pasahero ng isang pampasaherong multicab matapos itong bumangga sa sirang Dump Truck sa kilometer 11 ng Barangay Tagburos, Puerto Princesa City.

Kinilala ng pulisya ang drayber ng multicab na si Rey Gucela Brizo at ang drayber ng truck ay si Eddie Manaog Gonzales.

Read More:  5 dead in Sorsogon City market fire, including mother and daughter

Sa imbestigasyon ng Police Station 1, hindi umano agad napansin ng drayber ng multicab ang nakaparadang truck sa kanang bahagi ng madalim na daan kaya ito bumangga bandang alas-sais kwarenta kagabi.

Read More:  Newborn baby found abandoned in Cebu without clothing

Dahil sa nangyari, anim sa sugatang pasahero ang inalalayan ng mga tauhan ng Coast Guard bago nadala sa Ospital ng Palawan habang ang tatlo ay sa Adventist Hospital.