2 katao, biktima ng paputok sa Palawan- DOH 4B

Iniulat ng Department of Health Center for Health Development MIMAROPA na mayroong naitalang 2 Firework-related Injuries sa buong rehiyon ng MIMAROPA.

Hanggang nitong Miyerkoles, ika-28 ng Disyembre 2022 ay nakapagtala ang CHD MIMAROPA ng dalawang ( 2 ) insidente mula sa Palawan.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Ang una kaso na kinasangkutan ng isang bata ay mula umano sa Barangay San Manuel, Puerto Princesa City noong ika-23 ng Disyembre 2022 na napinsala dahil sa whistle bomb.

Ang pangalawang insidente ay noong hating-gabi ng pasko, ika-25 ng Disyembre 2022 mula sa Barangay Pawa, Cuyo na dinala sa Cuyo District Hospital.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Kaugnay nito, ipinapaaala ng Kagawaran ng Kalusugan na salubungin ang bagong taon nang masigla at kumpleto ang pamilya at mga daliri.