Pagdagsa ng pasahero sa Naga Airport ramdam na; flight daragdagan

NAGA CITY- Daragdagan na simula ngayong araw Dec. 22 hanggang sa Dec. 24, 2022 ang flight patungo sa Naga Airport na nasa Pili, Camarines Sur dahil sa pagdami ng mga bumabiyahe ngayong nalalapit na ang pasko.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PCMS Melvin Velasquez, Public Information Officer ng Naga City Airport Police sinabi nitong nakapagtala na sila ng 1, 824 arriving passengers at may 1, 783 departing passengers ngayong buwan.

Read More:  Dumanjug Mayor’s driver’s license suspended for 90 days after viral crash in Cebu

Ang dating dalawang flight ng Cebu Pacific ay magiging tatlo na; may darating na alas-7 ng umaga, sunod ay alas-9 at ala una ng hapon.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Sa hanay ng pulisya, nakabantay sila sa mga pasahero’t bagahe, gayundin sa mga naghahatid at susundo. Inaasahan ng PNP ang mas pang magdami ng pasahero habang nalalapit ang pasko kaya asahan ang paghihigpit.