Kaligtasan sa mga terminal tiniyak ng PNP

NAGA CITY- Nakabantay na ang mga personahe ng Naga City Police Office sa mga terminal bukod sa deployment sa mga simbahan.

Ito ang inihayag ni PCol. Nelson Pacalso,city director ng Naga City Police Office hinggil sa mga programang ipinatutupad ng kanyang opisina ngayong paparating na ang Pasko at Bagong Taon.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Sa kanilang monitoring, wala pa namang naitatalang anumang kaguluhan at kung magkaroon man natitiyak niyang madali nila itong masawata dahil sa mga pulis na nasa paligid lamang.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Sa monitoring ng Bicol Central Station unti-unti nang nagsisiuwian ang mga galling sa National Capital Region at ibang bahagi ng bansa.  Inaasahan na maiipon ito pabalik pagkatapos ng bagong taon.