SC, tatanggap na ng 2023 Bar applicants sa Jan 8

Sisimulan na ng Supreme Court ang pagtanggap ng mga aplikasyon para sa susunod na taong Bar examination, sa January 8, 2023.

Sa Bar Bulletin No. 2 ni Associate Justice Ramon Paul Hernando, chairman ng 2023 Bar examination, sinabi nito na ang application period para sa mga bagong aplikante ay magtatapos sa April 30, 2023.

Read More:  DepEd warns students against fake news, pranks, and bomb threats

Para naman sa mga previous takers at refreshers, ang application period ay mula May 1, 2023 hanggang July 8, 2023.

Ang mga refreshers ay kukuha ng Bar exam sa ika-apat na beses na o mahigit pa.

Read More:  Ombudsman says INC rally won’t stop Marcoleta probe

Sa gitna nito, ang lahat ng mga aplikante ay required na magsumite ng kanilang aplikasyon sa pamamagitan ng online application platform na Bar Applicant Registration Information System and Tech Assistance o BARISTA — ar sa pamamagitan ng courier service, ang supporting documentary requirements simula sa August 1, 2023, pero hindi lalampas sa October 24, 2023,” o 30 calendar days mula sa huling araw ng Bar exams.