Senador: pabilisin ang pagbuo ng defense forces at military equipment sa West Philippine Sea

Nanawagan si Senartor JV Ejercito sa gobyerno na pabilisin ang pagbuo ng defense forces at military equipment sa West Philippine Sea kasunod ng presesniya ng mga military assets ng China palapit sa baybayin ng Pilipinas.

Inilabas ni Ejercito ang panawagan kasunod ng privilege speech ni Sen. Francis Tolentino na binanggit ang pangangailangan ng bansa na pahusayin ang minimum defense posture nito upang protektahan ang maritime at territorial rights nito.

Read More:  Ombudsman suspends Senate Sgt.-at-Arms Aplasca

Sinabi pa ng senador kung patuloy na pababayaan ang mga nangyayari ngayon sa WPS ay baka maangkin na ng China ang Palawan na pinaka malapit na lugar sa Pilipinas mula sa sa mga pinagtatalunang isla.

Read More:  House of Representatives impeaches VP Sara Duterte

Sinabi ni Ejercito na dapat mapalakas ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ang modernization program nito sa mga susunod na taon.

Nauna nang tumulong si Ejercito sa pagpapanumbalik ng P10-bilyong halaga ng pondo para sa mga proyekto AFP at procurement sa ilalim ng Horizon 2 ng AFP modernization program.