Mga eksperto at magulang nangangamba sa lumalaking problema ng video game addiction sa Japan

Nangangamba ngayon ang mga eksperto at mga magulang sa lumalaking problema ng video game addiction sa bansang Japan.

Ang mga kalapit na bansa tulad ng China at South Korea ay nagpataw ng paghihigpit sa paglalaro ng kabataan sa mga nakalipas na taon.

Bawat buwan, isang grupo ang nagpupulong sa Tokyo upang magpalitan ng mga kuwento at estratehiya para sa pagharap sa gaming habits ng kanilang mga anak.

Ayon kay Sakiko Kuroda, ang mga bata sa Japan ay nagsimulang maglaro ng video games sa kanilang primary school at ang ipinataw na pandemic restrictions sa bansa ang naging dahilan kaya marami sa mga ito ang naglalaro nang mas matagal.

Sabi ni Kuroda na maraming mga magulang ang hindi na umano alam kung papaano haharapin ang issue dahil napansin na rin nilang mayroong kakulangan ng aksyon ang gobyerno sa gaming industry ng Japan.

Inilalarawan ng World Health Organization ang “gaming disorder” bilang pag-uugali na nakakaapekto sa relasyon, edukasyon at trabaho.//CA