P1K, Swak sa Noche Buena kung i-budget lang- DTI Palawan

Binigyang diin ng Department of Trade & Industry- Palawan na kaya talagang pagkasyahin ang P1, 000 para sa Noche Buena ngayong holiday season.

Ito ay matapos na ihayag kamakailan ni DTI Usec. Ruth Castelo na sa halagang isang libong piso ay maaari pa rin aniya silang makabili ng pang spaghetti at fruit salad sa Pasko.

Read More:  ₱3.7M worth of suspected marijuana seized in Cebu City

Ayon kay DTI Senior Trade-Industry Development Specialist OIC Persival Narbonita, may mga alternatibong produkto na eksakto sa pangangailangan sa Noche Buena.

“Kung talagang i- budget natin, na para sa ating pamilya sa tingin ko naman pasok siya pang Noche Buena”.

Read More:  ₱8.8M cigarettes without Graphic Health Warning seized, 3 Arrested

Kung dati raw ay kilo- kilo ang nabibili sa naturang halaga ay maaaring bumili pa rin ng tig-kalahating kilo na lang basta kasya na sa pamilya.