Pagbebenta ng ‘bote- bote’ ng gasolina, matagal nang bawal – BFP

Matagal na umanong ipinagbabawal ang pagtitinda ng “Bote- bote” o tingi-tingi na produktong petrolyo, ayon kay SFO1 Mark Anthony Llacuna ng Puerto Princesa City Fire Department.

Alisunod umano ito sa Presidential Decre 1865 o Prohibited Acts Inimical To The Public Interests and National Security Involving Petroleum and/or Petroleum Products.

Read More:  Man leaves suspected explosive before blast at Legazpi STL outlet

Paliwanag ni Llacuna, walang permit sa kinauukulan ang mga nagbebenta nito kaya ito ay ‘hazardous’ o delikado sa mga konsyumer.

Read More:  Baby girl found dead in river in Kiamba

Sa oras umano na makumpiska ang ‘Bote- bote’ na petrolyo ay pagmumultahin ang may-ari at nagbenta nito ng hanggang P50, 000 at parusa na 1-5 taong pagkakulong.